Monday, May 14, 2012

Magic. Magic. Magic.







(This video clip was taken when I was in fourth year high school. This is just one of, I think, three video clips that we had showing a magic trick)



*Paano ko nga ba ako natutong mag-magic?


Simula noong bata pa ako, lagi akong napapahanga tuwing nakakakita at nakakapanood ng mga magic tricks. Noong nasa high school na ako, saka lang ako nagkaroon ng pagkakataong malaman ang mga sikreto sa likod ng mga magic trick na nakapagpapahanga sa mga batang katulad katulad ni Totoy.


Ganito yung nangyari:

Isang gabi. Bilog ang buwan. May kung anong kakaiba sa simoy ng hangin. Alam ko na may kakaibang mangyayari. Binilisan ko ang aking paglalakad. Bumilis din ang pintig ng aking puso. Naghahalong kaba at konting takot ang nararamdaman ko. Pag-liko ko sa isang kanto, nakita ako ang isang lalaking naka-suot ng itim mula ulo hanggang paa, makapal ang eye-liner at sobrang puti ng mukha(hindi ko alam kung natural na kulay niya iyon o dapat ko ba siyang batiin ng "Happy Foundation Day!"). Naisip ko, baka minu-multo ako ni Michael Jackson dahil hindi ko itinuloy ang pagkanta ng "Heal the World" bilang bahagi ng talent ko sa isang pageant na sinalihan ko sa Baguio City noong nasa second year high school ako.




Hindi ko alam kung itutuloy ko ba ang aking paglalakad sa parehong direksyon at makikiraan na lang, kunwari walang kakaiba sa kanyang anyo o babalik na lang na tila may nakalimutang bilhin sa tindahan.  Gusto ko sanang aluking maglaro ng "touch the color" si manong, sigurado panalo ako nito. Pero bago pa man maging sobrang awkward and aming pagkakatayo, nagsalita na si manong. 


"Ikaw ba si Totoy?" tanong niya sa akin. 
"Ako nga po." sagot ko. "Eh ikaw, ikaw ba si Michael Jackson?"


Hindi siya sumagot.
Napikon yata.
Lagot ako nito.
Inilabas niya ang kanyang kanang kamay mula sa kanyang bulsa at inabot sa akin ang isang papel na may sulat.


"Basahin mo iyan ng mabuti. Alam kong magugustuhan mo iyan." sabi niya sa akin bago tuluyang maglaho.


Sayang, hindi ko man lang siya nakitang umalis nakatingin kasi ako sa papel na binigay niya sa akin. Hindi ko tuloy nakita kung nag-moonwalk siya. Binasa ko na lang ang nakasulat sa papel. Nagulat ako. Isa yata itong teksto na may hulwarang organisasyon na Prosedyural. Isa itong panuto kung paano matuto ng mga magic tricks.


Narito ang nilalaman ng sulat:




1. Pumunta sa youtube.com
2. I-search ang: "Magic Tricks Revealed"
3. Pumili ng magic trick na gustong matutunan. 
4. Mag-ensayo upang maging mahusay :)

____________________________________

2 comments: